2/10/16

Class Prophecy BUCENG BSME Batch 2016


CLASS PROPHECY BSME 2016
Sa panulat ni JP Mayor
at itininig ni Ian Quiñones

Isang maliwanag at nakasisilaw na ilaw ang tumatagos sa malalabong salamin ng aking mata ang ngayo'y banaag na banaag at wari'y humihigop sa akin papalapit dito...

Angkas ako ngayon ng bisikletang serbis ko na nang higit limang taon ng buhay ko sa kolehiyo. Alas sais na ng gabi, pauwi na sana ako galing pagtyututor nang biglang magliwanag ang buong eskinitang dinaraanan ko. Isang maliwanag at nakasisilaw na ilaw ang tumatagos sa malalabong salamin ng aking mata ang ngayo'y banaag na banaag at wari'y humihigop sa akin papalapit dito. Hinigop na ako nito ng tuluyan, sa ilang sandali dumilim ang paligid. Pagmulat ko ng mata, may hawak na akong manibela imbes hawakan ng bike. Nagtaka ako, nasa loob ako ng isang magarang sasakyan, at ako ang nagdadrive nito. Nasaan ang bisikleta ko, anong ginagawa ko rito? Napadako ang aking paningin sa dashboard ng sasakyan, at laking gulat ko ng makitang Feb 10, 2026. 9:30AM ang petsa at oras na nakarehistro dito. Di ko mawari kung ano ang nangyayari. Kanina'y sakay ako ng aking bike pauwi, ngunit sa isang iglap ngayo'y nagmamaneho na ng isang magarang oto. Di ko natatandaan kung kelan ako natutong magmaneho. Di ko kontrolado ang koordinasyon ng mga parte ng aking katawan, wari'y may buhay ang aking mga kamay at paa na siyang nagmamaniobra ng manibela at umaapak sa mga apakan. Habang nasa daan, napagmasdan ko ang mga 'di pamilyar na establisiyemento at mga gusaling ngayon ko lang nakita. Sa kaliwa, may nasulyapan akong isang motorsiklo, laking gulat ko nang makita ito, walang gulong at lumulutang sa ere. Walang trapik, walang nakasusulasok na mga usok ng sasakyan, wala na akong makitang jeep, puro high tech na. Napagtanto ko mula sa sisidlan ng aking diwa, ako ngayo'y nasa mundong sampung taon sa hinaharap.

Alas onse na, di ko pa din alam kung san ako papunta, nang otomatikong inihinto ng aking mga paa ang aking lambo at itinapat sa isang chinese restoran. Di ko alintana, paa na mismo ang nagutom. Pagpasok ko, may sumalubong sa aking isang chinito, paglingon ko laking gulat ng makilala kung sino ang nasa harapan ko. Tangina! Si Come, ang chinitong may ari ng restoran. Nagulat din siya, niyakap ako at kinamusta, simula ng mabagsak daw ako sa PPE, lumipat ako sa Law School at dun nagtapos ng abogasya. Matagal tagal din daw na di nila ako nakita simula nun. Attorney na ang tawag niya sa akin, tagapagtanggol kuno mula sa mga mapang-aping propesor. Abogado na pala ako? Habang kumakain ng mga makatulo laway na chinese foods, naikwento niyang naging saksespul ang bisnes niyang lugawan nang makapangasawa siya ng isang intsik. Naging chinese restoran ang dating maliit niyang gotohan. Required ang pagiging tsinito sa pag aasawa ng intsik kaya ganito na itsura ni Come ngayon. Nabanggit niya na mayron na itong limampu't limang branches worldwide, merong isa sa America na kung saan ang pastry at head chef na gumagawa ng tikoy, siopao, atbp ay si Jonet Jan. Doon na daw ito nanirahan kasama ang pamilya at nagbabakasakaling doon matagpuan ang kanyang da one. Subalit nang malaman daw ni Dindo na nangibang bansa si Jonet, nagpari na lamang daw si Jose dahil devoted naman siya kay Lord. Dinamdam niya ang pag alis nito kung kaya't kasalukuyang Cardinal Father Jose na ito sa Sorsogon.

Binuksan ni Come ang 3D 50inches Hologram TV na nakaposisyon sa gitna ng restoran. High tech na talaga. Muntik na akong mabulunan nang makilala kung sino ang nagbabalita, si Ruem, anchor na ng CNN. Ang dating campaign manager tuwing School Elections, Anchor na ng isang sikat na foreign news channel. Kasalukuyang ibinabalita niya ang nangyayaring kaguluhan sa Middle East. Sa pamumuno ng United Nations Head Commander General Jake Gilana, napenetrate nila ang base ng ISIS leader Jerbie Aldab Jurab sa hilagang teritoryo ng Syria. Nabigla ako sa aking nalaman, dalawang kabatch ko ang ngayo'y nagpapatayan. Napanuod din ni Come ang balita at di na nabigla, marami daw ang narecruit ng ISIS ng nagkaroon ng malawakang pangrerecruit dito sa Pilipinas ang Islamic Extremist Group na yun. Sumali daw ang mga Bits Boys nung una dahil ginusto naman nila ang real life bakbakan at patayan na walang respawn na hindi naman sa DOTA matatagpuan. Pero natira na lamang si Jerbie dahil tumiwalag din agad daw sa grupong ISIS sina Jerome, Marlon, Roy, Renz, Gigants, Lau, Oro, at Ronn (to follow sa baba ang prophecy nila). Naghiwa-hiwalay na daw sila ng landas pag-alis nila sa grupo. Pumunta daw si Roy Ocfemia sa Singapore para ipagpatuloy nila ni Clarisse ang Casino Royale Business nila duon; ang dating rich kid nuon, mas rich kid na ngayon. Nag apply at nagtry-out naman daw si Jerome sa NBA upang sundan ang yapak ng kanyang long lost brother na si Dwayne Wade. Natanggap naman siya. Siya na ngayon ang pangalawang Pinoy na nakapasok sa NBA. Nabanggit ni Come na ang unang Pinoy daw sa NBA ay si Charl Balbin na nadiskubre ang galing ng isang NBA coach nang magkampyon sa 2021 FIBA World Championship laban sa USA ang Gilas Pilipinas sa pamumuno ng Philippine Coach na si John Carlo Burcer kasama ang mga assistant coaches na sina Jan Anthony Clariño at Harmond Al Silo. Kasama diumano sana sa Gilas Pilipinas si Hernan Perez kaso lang nagdecline siya kasi sa basketball, hindi lang height matter, weight matter din. Nakapokus na lang siya ngayon sa lumalaki niyang pamilya, literal.

Ipinalipat ko ang channel. Ngayon naman, ang palabas ay Matanglawin. Laking mangha ko ng makilala kung sino ang bagong host nito. Si Gian Galing. Kunsabagay, mahihiya talaga si Kuya Kim sa dami ng alam ng batang yun. Sa katunayan sabi ni come, sa dami ng alam ni Gian, inilathala na niya ito sa makakapal na encyclopedia at almanac. Nang magcommercial break ang Matanglawin, di ko sana makikilala ang mga endorsers ng Century Tuna na sina Jhon Patrick Bola at Maricar Copino dahil fit na fit na sila ngayon. Sabi ni Come, yung dalawa daw ang pinakaunang naging winner ng Biggest Loser Couples Edition. Tinalbugan pa nila sina Anne Cortis at Derek Ramsay sa kasexyhan. Isa pang commercial ang nakaagaw pansin sa akin. Isang modelo ng produktong pampaputi. Si Cydric Mendoza ang pinakamagandang lalake sa balat ng lupa, walang halong biro dahil nabanggit sa commercial, ang ngayo'y model endorser na ng Dr. Alvin's Beauty Products. Inacknowledge ni Cydric si Mark Muñoz sa commercial, bakit kaya? Pagkatapos kong kumain, niyaya na ako ni Come na maglibu't libot sa buong Legazpi. Sakay ng aking lambo, tumungo na kami ng Legazpi. Nasa Metro Manila nga pala kami nun, kaya babyahe pa kami ng Legazpi. Habang nasa daan, may nakita akong pagkalaki-laking billboard ng naka 2-piece na isang modelong pagkaganda-ganda, pagkaputi-puti, pagkasexy-sexy at pagkatambok-tambok ng dede. Nabigla ako ng ipakilala sakin ni Come kung sino ang modelo. Si Karl Jethro Asiado!!! Si Karl na mas kilala sa pangalang (insert name here) daw ang pinakaunang transsexual na naging cover ng FHM. Diumano sabi ni Come, sa tulong ni Michael John Belo at ng kanyang long lost mother na si Vicky, at ng mga Liposuction Surgeon na sina Romeo Acta Jr. at Paolo Peranco, naoperahan si Karl upang maging babaeng tsikading. Together, they all run the Belo Medical Group happily ever after. (Ang undergarments nga pala na iniaadvertise diumano ni Karl sa billboard ay gawa ng isang malaking clothing manufacturing company na pagmamay-ari ni Ronald John Dometita. Lahat ng Bra Cup Sizes, A to Z meron sila. Dede at tits ang pinuhunan ni Ronald para makamit ang kanyang tagumpay.)

Nagpatuloy kami sa aming byahe. Nagtaka ako dahil wala pang 4 oras nasa CamSur na kami. Ganun daw talaga ang Skyway na dinaanan namin, may accelerating effect at nitro plus ang concrete conveyor road kung kaya malaki ang dagdag na bilis sa aming byahe. Pagdating namin ng sentrong Naga, may kumpulan ng tao sa SM Right Wing Open Ground, oo mas pinalawak na ang SM Naga, mas malawak pa sa MOA. Tumigil muna kami para makiususyo kung ano ang mayron. May napagtanungan kaming isang bundat na pulis na may hawak ng banner na may nakasulat ng BilaDub, si John Duns Ozaeta pala! Siya na ang Police Chief Superintendent ng Naga. Nakilala niya kami at (minura). Nagkamustahan (kami). Nabanggit niya na fan na fan siya nang loveteam na may Valentines Mall Show ngayon! Ang BilaDub! Tandem ni Bilasano, Van Neil! at Yaya Dub! Sila na ang bagong kinababaliwan na phenomenal loveteam nang kabugin ng kagwapuhan ni Bila si Alden Richards! Chinika pa ni Duns na sa SM Left Wing Open Ground naman ay may Mall Show din ang sikat na singer at youtube sensation na si Benjo Bueno. Matapos magchampion sa MusDa sa ME Break 2016, naging viral sa youtube ang kanyang video 9 yrs after. Kasama niyang magmall show si Vanilla Chokoleyt, isang sikat din na singer na nagchampion sa Tawag ng Tanghalan. Si Lenton Binza! Kapwa kamangha-mangha ang mga narating ng aming kabatch sa larangan ng showbizness.

Naitanong namin kay Duns kung kamusta na sila ni Janel? Going strong daw (with their 5 kids! Hanep mawrag! Sa loob ng 10 taon nakalima na agad sila!) (option # 1, Si Janel daw, ngayo'y nasa Business Trip sa New Zealand para mag invest sa Cow Milk Industry na anduon. Matapos maging successful ni Janella Madrona sa larangan ng pagbababoy at pagmamanukan, pinasok na din niya ang pagbabaka. Mas pinursue niya ang Agriculture kahit na 3rd Placer siya sa ME Board Exam 2016.)(option # 2, Nang maibenta ni Janel ang kanyang farm sa Kilicao kina Oliver at Renz, at dahil may wings ang love ni Duns, pinursue na ni Janel ang career bilang stewardees. Kasalukuyang siyang nasa ibabaw ng alapaap somewhere around the world.) (Successful Ozaeta Family na ngayon sila). In partnership with her farm ay si Oliver Cabria na may-ari na ng pinakamalaking Cockpit Arena sa buong mundo na matatagpuan sa Mexico(pause), Mexico Pampanga. In partnership with Oliver ay si Renz Rosales, na isa na ngayong sikat na artista gaya ng kanyang kuya na si Jericho, ay pinapatakbo ang pinakasikat na Online Gamefarm Cock Fight, isang online na sugal para sa mga adik sa sabong.

Inaya namin si Duns na sumama pero tumanggi siya. Umalis na kami papuntang Albay. Pagdaan namin ng bandang Iriga, may nakita kaming Banner na may nakaimprentang pamilyar na mukha. Si Rayvee Barba! May nakasulat sa banner na mga katagang nagpapakita ng adbokasiya para sa mga katribo niya. Isa nang advocate at activist si Rayvee laban sa Racial Discrimination na nangyayari sa mundo. Mahirap maiparating sa mundo ang nais ng tribo dahil sila sila lang ang nagkakaintindihan. (AHdpspgabcgeyahdbvhf). Madami ang nakadanas ng Racial Discrimination nung nagkaklase pa kami sa BUCENG, lalo na si Gibran Botial. Nalaman ko kay Come na napagpasyahang mangibang bansa ni Gibs nang hindi manalo sa Ginoong Cagsawa 2016 at hindi makapasok pasok sa PBB. Sa kagandahang palad naman, nanalo siyang Grand Winner sa BBB, Bombay Big Brother. Isa na siyang sikat na Bollywood Actor.

Pagdating namin ng Polangui Centro, may nadaanan kaming mga nagzuzumba sa tapat ng isang Fitnesse Gym na pagmamay-ari diumano ni Ryan Jhupet Sablaon. Itinayo niya ang gym para sa mga highblood na gaya ni Beneth Colanza. May motto na nakasulat sa dingding ng gym ni Jhupet na 'High Blood noon, Diet na ngayon'. Kasosyo ni Boy Chino sa negosyo niyang ito si Paul Jude Rabajante na isang health fitness advocate na din. Nakilala namin kung sino ang Fitness Instructor at Health Expert na naglilead ng Zumba Lesson sa tapat ng Gym, si Beneth Colanza, ang taong High Blood noon, high blood pa rin ngayon. Suking estudyante diumano ng mga zumba lessons ni Beneth sina Marwin Colar at Glenn Marty Gonzales Jr. Kung pag uusapan ang healthy living, nabalitaan ko kay Come na si Marlon Valleser ang nangunguna rito. Mula ng pag-alis ni Marlon sa ISIS, naging advocate na siya ng healthy living using military training exercises. Six Footer na siya, simula ng mawalan ng appendix, tumangkad na siya ng tumangkad, vegan at di na siya kumakain ng a20 pesos burger with softdrinks.

Medyo madilim na pagdating namin ng Ligao City, pagod na din ako kakadrive kaya tumigil muna kami sa isang 5 star hotel na pagmamay-ari diumano ni John Andrei Flor. May mga luxury hotels nang pagmamay-ari si Andrei nationwide. Sa tulong daw ng bespren nitong Presidente ngayon ng bansa na si Jeffrey Villanueva, naintroduce ang hotels niya sa mga foreign investors kaya naging successful ang negosyo nito. Si Jeffrey ang pangalawang Presidente na sawing sawi din sa pag-ibig, sumunod kay PNoy. Kasalukuyan siyang Dating with Liza Soberano na pinakamagandang actress ngayon sa buong mundo.

Pagpasok namin sa hotel, sinalubong kami ng ngiti ng isang kilalang receptionist. Si Alyssa Torres. Kay Alyssa diumano ipinagkatiwala ni Andrei ang hotel niya sa Ligao. Nang makilala kami ni Alyssa, agad niya kaming binati. Binigyan niya kami ng susi sa pinakaluxurious suite na mayron sila.

Pagpasok ng kwarto agad kong binuksan ang 30inches hologram tv bago nagpahinga. Ayon sa balita, pinararangalan ang tatlong opisyal na nakasama pa ni UN Head Commander General Gilana na sina 5 Stars General Earl Buemia, 4 Stars General Aldrin Gonzalgo at 3 Stars Adrian Balbin sa pagsugpo sa pwersa ng ISIS sa territory nito sa hilagang Syria. Diumano sabi ni Come, di nakapasa sa ME Board Exam ang apat kaya nagsundalo na lang. Pinarangalan ng Pangulong Villanueva ang apat sa kadakilaang pinakita hindi lang para sa bansa kundi pati na sa buong mundo. Sa pagwawakas ng balita, nabanggit ng reporter ang kanyang pangalan, 'Ako si Myla Maghanoy, Middle East Correspondent, Patrol ng Pilipino'. Journalist/Reporter na pala si Ate Myls na nakadestino sa nagdidigmaang mga bansa sa Middle East. Isa pang balita kung saan nabanggit ang pangalan ni Mark Bodino. Ayon sa balita, nagdonate diumano si Atty. Bodino ng 20Million pesoses para sa pagpapatayo ng mga karagdagang selda sa Munti. Si Mark Bodino na ngayon ang pinakasikat na abodago/pastor. Dahil sa dami ng naipakulong niyang Drug Dealer, Pulitiko at at iba pang kriminal, nagkukulang na ang kulungan sa bansa. Ayon kay Come, ang dating loveless at asexual na si Jerry Ann Sumilhig ay ilang beses na ding naipakulong ni Atty. Bodino sa kasong sexual harrasment. Kilabot na ngayon si Jerry Ann ng mga bading at babae, kasalukuyan siyang non-showbiz suitor nina Kathryn Bernardo at Arci Muñoz.

Inilipat ko ang istasyon gamit ang air swipe remote control ng TV. Tungkol sa Sports ang palabas. Kasalukuyang naglalaro ang Qatar at Pilipinas sa AFC FIFA Qualifiers. Nakilala ko ang quarterback na si John Paul Mayor at ang midfielder na si Rolando Lorente Jr. na kasama sa Philippine Azkals, pareho na silang professional football players. Kung anong bansa ang mananalo sa buong qualifying matches, ito ang maglalaro sa Agosto sa FIFA World Cup. Tiwala kami ni Come na mananalo ang Pinas dahil mahusay ang Head Coach ngayon ng Philippine Azkals na si Roberto Reblora Jr. Dahil sa kanya, 30th place na daw sa FIFA World Ranking ang Pinas.

Inilipat ko ulit ang istasyon, sports pa din ang palabas. Ngayon, isang Snowboarding Championship naman ang programa. Natigilan ako nang magrehistro sa screen ang pangalan ni Meljohn Montiveros na may alyas na Black in White. Professional Snowboarder na si Meljohn, astig. Nabanggit ni Come na marami na daw talagang Health Conscious at Sports Enthusiasts ngayon sa batch namin after 10years. Si Ryan Gigante nga raw ay pumasok na sa pagkikick boxing, isa na siyang MMA Fighter tulad ni Mark Muñoz. Umalis man si Ryan sa grupong ISIS, nanatili pa din ang pagiging bayolente niya, kaya nahumaling siya sa kickboxing at wrestling. Madami pa kaming kabatch ayon kay Come na pumasok sa larangan ng Sports and Action. ((Adlib)Daming alam ni Come, dinaig pa ang kaalaman ni Galing). Si John Mark Bas naman ay sumasali na daw sa mga Body-Building Contest here and abroad. Produkto si Bas ng Fitness Gym ni Jhupet aka Boy Chino. Si Bas nga daw ang naging host ng Biggest Loser na sinalihan nina Patrick at Maricar. Si Revee Xavier Del Ayre naman ang Head Coach ngayon ng Women's Volleyball team ng FEU. Mas pinili ni Rex ang magcoach sa mga babae dahil, alam na. ((Adlib)Marahil nagtatanong kayo kung nasan na si Jut ang maskuladong papi ng Batch, itanong natin kay Come). Ayon kay Come, mataba na si Justine Sarmiento ngayon. Nawalan ng oras maggym si Jut nang mapangasawa niya si Nicole. Isang Professional sumo wrestler na ngayon si Justin.

Inilipat ko ulit ang istasyon. Lifestyle at Fashion naman ang palabas. Nakilala ko ang finifeature sa programa. Si Adrian Advincula ay EIC na ng isang Magazine na may title na 1001 Ways on Men's Grooming. Para daw sa mga metikoloso ang magazine. Nafeature na one time sa kanyang magazine si Justine pero ngayon ay hindi na dahil mataba na. Si Rose Marie Mariñas, na pinursue ang kanyang modeling career at may sikat nang clothing line, ay judge pala sa Americas Next Top Model, kasama niya si Tyra Banks. Kasalukuyang kasali sa Americas Next Top Model, Girls And Guys, si Laurence Broqueza. Nagsimula sa pagiging Mall Freelance Model, ngayon ay International nang rumarampa si Laurence bilang modelo ng mga sikat na damit at underwears.

Alas Dyis na ng gabi ng maisipan namin ni Come na gumawi sa Centrong Legazpi dahil maganda ang mga ilaw roon kapag gabi. Di din namin type ang pagkain sa hotel. Laking gulat ko ng wala nang gulong ang Lambo ko, pati sidemirrors. Tangina nanakawan pa kami kahit na nasa 5 star hotel parking lot ang kotse. Agad naming kinausap si Alyssa ukol dito. Para daw masolusyunan ang problema, nireto kami ni Alyssa kay Charlie Marcaida. He knows what we need. Si Charlie ang nagsusupply ng mga auto spare parts sa mga car owners na nanakawan ng side mirrors, gulong, mufflers, atbp. Siya din ang Top Supplier Auto Spare Parts ng malaking Auto Company known worldwide nina Miguel Aldrin Balde at Jesse Lopez, kahilera na nila ang Toyota, Honda, Mitsubishi sa laki ng Car Company na meron sila. Sa katunayan, nakadeploy ngayon sa Main Branch nila sa Dubai si Angelo Carlo Cells, ang agent na rason ng pagiging successful ng kanilang kompanya. Tinawagan ng hotel si Charlie para ayusin ang problema, at instantly within 30secs ay naruon na siya dahil sa likod lang pala ng hotel ang store nito.

Pagkatapos supplyan ng mga nanakaw na auto spare parts, G na kami ni Come para pumunta ng Legazpi. Dumaan na kami ni Come sa Skyway Ligao-Legazpi para mas madali ang byahe. Mula ng maging Gobernador ng Albay si Antonio Lustina, mas lalong umunlad at nakilala ang lalawigan ng Albay, natalbugan na nito ang Cebu. Pinalitan ni Antonio ang dating project ng dating Gobernor na Albay Green Christmas at ginawang Albay Yellow Christmas. ((Adlib)Bakit Yellow? Pakitanong si Karl, siya nag-isip neto).

Walang sampung minuto at tanaw ko na agad ang mala-Las Vegas na syudad ng Legazpi, punung puno ng ilaw at mga Casino, buhay na buhay sa gabi. Sa dakong Legazpi Boulevard, natanaw ko ang isang Royal Cruise Ship na may nakasulat sa gilid ng barko na Conde Alcaraz Royale. Nakadaong ang barko sa pampang ng Boulevard at punung puno ng ilaw sa entrada na wari'y nang-iimbita sa mga estudyanteng party-goers at casino lover na mag enjoy at magparty sa loob tuwing stress sa exams at depressed sa kung anumang problema. Ang Cruise Ship/ Casino Ship ay pagmamay-ari ng magbusiness partner na sina Mc Limuel Alcaraz at John Ronn Condelusano. Sabi ni Come, inspired ang successful outcomings nila sa mga alaalang nabuo sa Abbey Road, Havens, Puro Beerhouses, atbp. Wala na ngayon ang Embarcadero, at ang dagat sa harap ng Emba nuon ay tinabunan na ng lupa para iaccomodate ang mga bagong Casinos at Buildings na itinayo.

Isa sa mga Establisiyemento ay ang Comedy Bar kung saan nagtatrabaho si Alfredel Lovino at Vincent Oro. Pareho silang stand-up comedienne. Ayon kay Come, sikat na sikat si Alfredel dahil sa mga witty jokes niya. Tanging matatalino ang nanunuod ng show nito dahil mahirap igets ang joke nito, dahil witty nga. Si Vincent naman ay tipikal na Vice Ganda type of Comedienne. Sikat din siya, ilang beses na ngang nagguest si Vincent sa mga shows ni Vice Ganda.

Naglibot pa kami ng Legazpi at natanaw namin bandang Ayala Mall ang isang maliit na Clinic na pulang pula sa mga ilaw na nakalibot dito. Pinuntahan namin yun at nalaman kung sino ang may-ari, si Jobelle Dilao-Dizon na happily married na ngayon kay Reynaldo Dizon Jr. Nagtayo sila ng isang love clinic para sa may mga sakit sa puso at problemang pam-pag-ibig. Mga love experts na kasi sila at ayaw nilang may nasasaktan. Dahil kapag mahal ka, hindi ka sasaktan. Sa kanila namin nalaman na ikakasal na pala si Cyrene Bue kay Jack Bornasal bukas. Hindi man lang kami inimbitahan. Nalaman namin na lahat ng BSME 2016 kaya it will be a major reunion for all. Naglibot pa kami ng ilang oras bago tumuloy at nagpahinga sa hotel sa Ligao.

Kinabukasan, nag ayos na kami ni Come papuntang Albay Cathedral, duon ang venue ng kasal. Pagdating namin ng simbahan, mga pamilyar na pagmumukha ang nagkukumpulan sa entrada ng simbahan. Kung titignan mo sila, mukhang mapepera na. Mayayaman na ang mga loko. Napansin ko ang isang gwapitong bondat na lalaki at napagtanto na si Jude Reil Hondanero ito. Siya na raw ang bagong department head ng Mechanical Engineering sa Bicol University. Para daw maipagpatuloy ang gwapong nasimulan sa ME. Dahil hindi lahat ng gwapo nag-aartista, yung iba Department Head ng Mechanical. Di ba, Sir Gene? Inilibot ko pa ang aking mata sa kumpulan at nakita ang isang matangkad at pinay na pinay na babae, si Meldren Samson, ang bagong representative diumano ng Gabriela. Namimigay siya ng libreng PH Care sa mga kababaihan bilang kanyang advocacy. Sa sulok din ay ang tatlong gwapito na sina Claude Joseph Deuda, Paul Locsin, Renz Ronatay na pawang business partners na daw diumano sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya ng minahan sa Masbate na nakapagmimina ng lahat ng elements sa Periodic Table. Ang kanilang kompanya ang una at tanging nakakagagawa nito. Naagaw din ng isang lalake ang aking paningin ng lumutang ito sa ere. Si Mark John Cañezo ay sikat nang magician na kilala worldwide pero puro lang sa youtube ang kanyang mga tricks. Pinapa-disappear niya pa rin si Patrick Docog. Kasama na rin sa mga assistant niya sina Mark Jhordane Siocson at Russel Brian Brosas. At gumagawa ng mga props niya si Jesper Allen Comboy. Sa gawing kaliwa naman napansin ko ang mala Rizal sa hairstyle na si Dave Bellen, isa na daw itong pastor/missionary na naglilibot sa buong mundo para ipaalam at alamin ang kalagayan ng sansinukuban sa gabay at aral ng Diyos. Nagsidatingan na din ang iba pang batchmates namin at nagkumpol kumpol na sa entrada para makuhanan na kami ng litrato ni Erico Manaog na isa na ngayong successful pornographer este photographer. Siya na ang naka kontrata ng year book ng buong BU dahil sa frustration nang di siya nakapag-bid noong Oktubre 2015. Yan kasi, natcon pa more. Meron din siyang sideline, nagcacast siya sa isang couch, driver siya ng fake taxi at isang siyang public agent. Sa parteng kaliwa ko may napansin akong magjowa na nagaakbayan, tangina si Miley Cyrus at Mark Dwayne Hao magsyota na, 5yrs at going strong na sila, plano na nilang magpakasal next year.. Dahil sa kanyang viral video na twerk it like miley, pinagguest sa Ellen si Hao at duon niya nameet si Miley Cyrus, niligawan niya ito at napasagot naman, mabait na ngayon si Miley dahil kay Hao. Si Hao na din ang laging laman ng mga music videos ni Miley. Ang Bespren ni Hao na si Jayson Sayson ay di daw makakarating dahil may Taewondo Competition ito sa HongKong. Makukulong muna ito ng masipa ang Chinese Prime Minister. May tumapik sa likod ko na isang lalake at pamilyar ang kanyang pagmumukha. Si Deniel Ross Daep, na isa na ngayong professional car racer. Ilang beses na siyang naging kampeon sa iba't ibang race worldwide.Pero di pa rin siya nanalo sa race to a woman's heart.

Nagsipasok na kami ng simbahan para maghanap ng kanya kanyang pwestong uupuan. Nakatabi ko ang pamilyar na kalokalike ni Michael Jackson na si Charles Victor Abejuro. Kinamusta ko ito at naikwento niya na isang successful businessman na siya. Dahil sa halos 24/7 na pagdodota sa Bits nuon, nalaman niya ang pasikot-sikot ng negosyo nina Kuya Jep kaya naman binili niya yung katabing lote ng Bits at nagpatayo ng sarili niyang Computer Shop. Dun nagsimula ang kalbaryo ni kuya jep. Si Kuya Jep na ngayon ang kanang kamay ni Abe sa kanyang sariling comp shop. At ngayon, inamin na niya na sa kanya pala ang Boss Abe at Abe Road. Dun siya kumuha ng puhunan.

Dumating na ang bride, kay ganda ganda ni Cyrene sa suot niyang wedding gown. Sila ang magpapatunay na may forever. Pareho na sila ni Jack musician. Sa ngayon, may isang tsikiting na sila ngayon. Pero gusto ni Jack na isang grand orchestra ang kanilang mga anak. That's what music can do. Magsisimula na ang seremonya kaya dumating na ang pari. (Tangina). Laking gulat ko nang makilala kung sino ang pari. Pagod na daw itong maging pogi kaya nagpari na lamang kasama si Dindo,. Nung una, madaming nagsuicide na malalanding babae at bading nang malaman yun, pero kalaunan, dumami na din ang nagsisimba ng dahil sa kanya. Nagsimula na ang seremonya ng matiwasay. Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa misa ni Gab nang may dumating na isang pamilyar na pamilyar pagmumukha. Si Ian Quiñones 2026 Version, dumating. Ako naman ang Ian Quiñones version 2016. Nabigla ang lahat. Lumapit ako kay Ian 2026 para kausapin ito, pero nang makalapit na ako 2metro na lang ang pagitan, isang malaking pagsabog ang nangyari, daig pa ang hydrogen bomb sa lakas. Ayon sa isang teorya, sasabog ang dalawang nagtagpong magkaparehong indibidwal na pinaghihiwalay ng magkaibang time event. Dahil sa pagkakalapit ng dalawa, nagkakaroon ng disturbance sa stability ng atoms na siyang dahilan upang sumabog ito na malakas pa sa hydrogen bomb. Boom! Sumabog ang lahat.

Nagising akong tulo laway sa aking upuan na binabayo ni Sir Borro, kanina pa pala ako ginigising ng mga kaklase ko. Nagsorry ako kay Sir Borro. May klase pala kami sa PPE, at nakatulog pala ako sa pagod at puyat sa paggawa ng thesis ng gabi bago yun. Pinagmasdan ko ang aking mga kaklase, lahat ay may ipinagbago. Ang dating mga nugnugin at dugyutin mga persyir, ngayon ay makikisig at ang popogi na. Madami na ang pumuti, nagpafacial, tumaba. May natitira pa din namang mga panget. Haha. Sa halos limang taon ko sa kolehiyo, sila ang naging pamilya ko, kasama at kasangga sa lahat ng mga hirap at ligaya na pinagdaanan namin. Isang buwan na lang at lahat tayo ay papaso na para tanggapin ang pinakahuling completion paper ng kolehiyo natin, ang ginintuang diploma na magpapatunay na nalagpasan natin ang lahat ng hamon ng pagiging ME Student. Joke joke man ang mga prophecies na nabanggit, isa lang ang sinisiguro ko, lahat tayo ay magiging Engineer sa Oktubre. Together we will make History. Together, we'll be all successful in our chosen paths, no matter what, you can rest assured that this batch, one happy family, will be helping each other to achieve everyone's goals. Goodluck sa’ting lahat.

11/1/15

Araw ng mga Santo at Yumao

     Maulan nanaman yung Undas ngayong taon, malamig at mamasa-masa nanaman ang puntod ng mga Mahal nating yumao. Sino ba ang hindi sainyo tatamaring pumunta ng sementeryo kung aabutan mo lang naman duon ay putik-baha; di ko naman nakakalimutan na kaya pumupunta roon ay dahil andun nakahimlay ang mga yumao nating kamag-anak, pero mas ayos din sigurong magtirik muna ng kandila sa bahay kaysa magkasakit dahil nabasa ka ng ulan. Saka pupwede namang bisitahin ang puntod ng ating mga yumaong kamag-anak kahit di undas, pinauso lang yang holiday na yan kaya nakagawian nang bumisita ng karamihan e tuwing a uno ng Nobyembre. Di ko alam kung ano ang istorya sa likod ng a uno ng buwang to, pero sa parehong gabi ng Undas nangyari ang susunod na istorya.
     Taong Dos Mil Onse, sa mismong gabi din ng Undas ay umulan ng pagkalakas-lakas. Habang ang lahat ay abalang nagdadaos ng pista ng mga patay ng gabing yaon, walang ni isa man ang nakaaalam na isang malagim na pangyayari ang masisilayan kinabukasan ng lahat, mapapabalita at malalaman pati ng mga karatig-bayan. Maliban sa mga puno't damong nakasaksi, wala nang iba pa ang makapagsasabi ng kung ano talaga ang tunay na nangyari. Nang gabing yaon, nangyari ang walang awang panghahalay at pagpatay sa isang binibining diumano'y bumisita lamang sa isang kilalang kamag-anak. Makalipas ang apat na taon, di pa rin nabibigyang hustisya ang pagkamatay ng nasabing binibini, di pa din tukoy kung sino ang demonyong gumawa ng krimen.




     Taong 2012, Nobyembre 2 ng umaga, natagpuang patay si Laesybil Lim Almonacid, residente ng Purok 2, Sitio San Roque ng Barangay Bascaran, bayan ng Daraga, Albay. Si Laesybil ay nasa ikatlong taon na sana sa kolehiyo at kumukuha ng Accountancy sa Unibersidad ng Bikol ng maganap ang krimen. Natagpuan diumano ang kanyang katawan sa damuhang 25 metro ang layo sa kanilang tahanan. 

     Kinondena ng buong probinsya ng Albay ang walang awang pagpatay sa binibini na nabanggit. Hanggang sa ngayon, di pa din nakakamit ni Laesybil ang hustisya sa nangyari. Di natin sigurado kung patuloy pa rin ba ang imbestigasyon ukol dito, dahil apat na taon na din ang lumipas, malamang ibinaon nanaman ito sa limot ng kinauukulan. Ganyan naman lagi ang kalakaran ng Hustisya dito sa bansa, walang patutunguhan kapag 'di malaking pangalan ang mga sangkot. Wari'y sana man lang kahit madakip na ang suspek sa pagpatay sa kanya, matatahimik na ang kanyang kaluluwa.

REST IN PARADISE LAESYBIL LIM ALMONACID!
Justice will be served at the right time, if not by man, it will be by HIM.

10/24/15

Walang Kwentang Tula

     Dahil boring ang sembreak, walang magawa si Paolo kundi mangalkal ng mangalkal sa baul. Eto ay isa lang sa mga nahalungkat niya, akda nung sekund yir hayskul siya. Isang walang kwentang tula tungkol sa pag ibig ang mababasa niyo, tula yan kaya boring basahin, wag maghanap ng iba!


Gunitang 'manaw sa Kahapon!

 John Paul M. Mayor

 Bigyang katuparan hiling sa bituing maningning;
 Pighati iwaksi't ibalik sa dati,
 Pinagsamahang kay tamis katumbas walang kaparis,
 Panahong pumanaw kanya lamang ginugol at pinagyaman.

 Uhaw kapwa sa maalab na pagmamahalan,
 Halikang simbolo ng aming pag-iibigan,
 Maghapong habulan sa dalampasigan masid sa alon ng buhay;
 Silay ng papalubog ng araw alintana sa papalapit na karimlan!

 Sinusulit bawat sandaling nananatili,
 Maningas ang kislap ng oras sa momentong nalalabi,
 Ninanais ako'y lagi sa kanyang tabi;
 Malingap ay mawala ng walang bakas man din!

 Hinuhungkat alaalang unang nagkita't nagkatitigan,
 Irapan at ilangan kailanma'y di maiiwasan,
 Anung kiliti sumibol sa sarili nitong mga himlayan;
 Bawat damdamin nag-alab nagising sa tawag ng mga pusong sabik sa kaligayahan.

 Sinunod wika ng mga sariling kagustuhan,
 Mga ibong nangagsiawit sa tamis ng pagsintahan,
 Nagkatuluyan, nag-ibigan, nagbunga ng lahing pinag-isa;
 Siyang mga prutas na maghihinog, itatanim, magbubunga sa makabagong puno'ng sagana!

 Lungkot balot ng kasalukuyang hinagpis ng pag-iisa,
 Pagtangis ng luhang bakas ng paghahanap ng kalinga,
 Abang awa sa sarili, napabayaan ng sariling katandaan;
 Ng pag-ibig na ngayo'y hukay ang pagitan!!!





Sem Break 2015

Time Check: 11:58 PM, 10/23/15

     Nasa harapan ng laptop nakatunganga nanaman, hinihintay matapos madownload yung porn, a este latest movies na mapagpapalipasan ng oras; yan ang tipikal na umaga, oo umaga ang gabi, gising na gising si Paolo kapag walang pasok, walang magawa kundi manuod ng porn, este pelikula magdamagan.
     'Isad na semanang warang isipon kundi magkaon, maturog, mag iling pelikula, maturog gilayun.' Hay! Salamat din at kahit papano, may break din sa mga pressure at stress na bigay ng mga walang kwentang prof! Bago man magsembreak e alam ko nang may bagsak nanaman akong grado, di na yun bago, mismo yung propesor walang pagbabago! Okay lang sanang magkaroon ng singko na may natutunan ka, kaso ang masama e, wala kang natutunan san ka pa! OO! Kasalanan ko din siguro, e sa tamad ako, wala kayong pake! HAHA paksyet! Nagtuturo din naman yung magaling na prof, kaso di epektib, low efficiency ika nga niya!
     Biernes ngayon, next week e daming magtitirik ng kandila, hindi dahil sa undas kundi dahil ilalabas na grades ng mga terror 'kuno' na mga propesor. Huwag na tayong umasa, pero ang himala ay nasa puso natin, at nasa utak ng mga propesor; kung ibabagsak ka na talaga nila, wag nang umasa! Allelujah! Pagpalain sana nawa kayo ninuman, ng Alien este ng Diyos! Marahil, makalusot ang iba, papano nanaman kaming umaasa na gagraduate ngayong Marso. -insert umiiyak na emoticon-
     Ayaw ko sanang isipin lahat ng yan, pero naiisip ko din kung pano ang magiging pamilya ko kung 'di ako makatapos, sigurado isang kahig, isang lamon ang bagsak neto! Kachat ko pa naman ngayon si darling, soon-to-be asawa; papano na lang ang pyutyur namin neto?
     Bura bura! Alis alis na muna mga negatib baybs. Sa ngayon, pagtutuunan ko muna si darling. Haha
      SemBreak na nga lang ang time na magkausap kami ng matagalan, ipagsasalungkot ko pa. Kahit papano, andyan siya ngayong bakasyon para icomfort ako, pawiin mga problema at ang stress ko sa skul. Boring man dahil walang magawa, pero stress-relieving pa din at masaya ang sembreak na to.



Nga pala, di naman pala talaga boring, nag Puputoshap-putushap din pag walang oras, nagpagdidiskitahan yung pogi kong litrato. Haha

Paolo Bungo



Paolo Balbas Sarado

10/22/15

Andar

 
Buhay Kalsada
 'Di na wari sa iba ang andar ng pagbabago. Lahat ay may tinatahak nang sariling daan sa kanilang pagtanda. Tayo mismo ay may kanya kanyang sasakyan patungo sa mga inaasam sa buhay. Karamiha'y nais ang karangyaan, pintadong awto kay wiling angkasan. Sa mga ordinaryo nama'y dyipni at traysikel ay sapat na. Kahalintulad ng buhay ng tao ang sasakyan, matulin, mahilig makipagsapalaran sa kalsadang naliligiran ng pagsubok, at higit sa lahat at anupama'y sa bandang huli siguradong may patutunguhan; ikaw na mismo ang magdedesisyon ng manibela mo at aapak sa preno kung kailan ka hihinto o magpapatuloy.
     Datapwat, bisikleta ang pinakamainam sa lahat, miminsanan lang ang makasagasa ng iba at magsagabal sa'yo. Ang andar ng bisikleta ay payak, sarili mong pawis ang mismong magpapaandar neto, lahat ng tinatahak mo'y mapapagmasdan ng madaming sandali, puhunan mo'y sadyang lakas at katawan lang para marating ang naisin; ganito ang pinakamainam na pantahak sa layon, pagpaguran at wag magmadali, maniguro sa bawat sandali upang maabot ang anumang minimithi.